Sama-sama nating ibalik ang tiwala! 

Matapos ang isa at kalahating taon ng pagharap sa ilan sa pinakamasakit na dagok sa ating henerasyon - dulot ng pandemya ng COVID-19 - panahon na upang pagnilayan kung ano ang kinabukasan na haharapin ng Pilipinas. Mahalaga ang gagampanang papel ng darating na halalan para sa pagka-Pangulo sa 2022 sa tadhana ng ating bansa. Kailangang harapin ng bagong administrasyon ang mga seryoso at natatanging isyung pinagdadaanan ng Pilipinas, tulad ng pagbangong muli ng ekonomiya, pagpapanumbalik ng tiwala sa ating lipunan, tuloy-tuloy na laban sa katiwalian, pagtugon sa pandemya at mga programa sa pagbabakuna. Hindi ito madaling maisasakatuparan, sinuman ang manalo sa halalan.

Sa kontekstong ito, pormal naming inihahayag ang aming hangarin na tumakbo bilang isang tiket sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo sa darating na halalan sa 2022! Buo ang aming paniniwala na tungkulin namin, bilang mga Pilipino, na gawin ang makakabuti para sa ating bansa at ating mamamayan.

Naniniwala rin kami na tayo lang ang makakapanumbalik ng tiwala sa Pilipinas pagkatapos ng mga pangyayari sa nakaraan. Matibay ang aming paniniwala na mababago pa ang ating kultura sa politika tungo sa isang mas mataas na antas para sa susunod na henerasyon. Ang salitang katiwalian ay hindi na magiging pangkaraniwan. Alam natin na maitataguyod natin ang bansang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyong alam kong pinaniniwalaan ng karamihan sa mga Pilipino: katapatan, kakayahan, at katapangan. Ito ang kahalintulad na prinsipyo na naipakita at tinanggap din namin ni Senador Sotto sa pagganap namin sa aming mga responsibilidad sa lipunan. Hindi na uubrang umupo na lamang at tahimik na panoorin na naghihirap ang ating bansa. Kailangan nating lumaban dahil utang namin ito sa taumbayan!

Napapanahon na para ibalik ang tiwala sa Pilipinas! Mayroon tayong natatanging pagkakataon para baguhin ang ating sistema sa politika. Kung tayo ay sama-sama, maitataguyod natin ang isang bansang ipagmamalaki nating lahat. Sama-sama rin nating ibabalik ang respeto, integridad at dignidad na tila nawala sa atin sa mga nagdaang taon. Ito ang ating sandali upang mangarap, maniwala, at lumaban tungo sa isang mas mabuting bansa, mas mabuting buhay, at mas magandang kinabukasan!

Sen. Ping Lacson     Sen. Tito Sotto

Ipakita ang iyong suporta!

Walang makakamit ang isang kampanyang pulitikal kung walang mga mamamayan na magsisilbing nitong pundasyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan namin ang iyong suporta, ito ang dahilan kung bakit kailangan naming magsama, upang gawin ang tama para sa Pilipinas. Nasa inyong mga kamay ang kapangyarihan.
IPAKITA ANG IYONG SUPORTA PARA SA PING LACSON - TITO SOTTO TICKET!SAMA-SAMA NATING IBALIK ANG TIWALA SA PILIPINAS!


Ibahagi:

lacsonsotto2022.ph ay gumagamit ng cookies upang mabigyan ka ng isang mas mahusay na karanasan sa pag-navigate sa aming site. Sa sandaling ipagpatuloy mo ang pagbisita, ipinapalagay namin na tinatanggap mo ang patakaran ng cookies. Matuto nang higit pa tungkol sa patakaran sa cookie na ginagamit namin dito here.